passport
ngayon lang uli ako nakapag-check ng email matapos ang isang linggo. kumusta naman ang 2000 mensahe na bumulaga sa account ko?
may mga ingles pa naman sa bokabularyo ko matapos ang isang linggong pagsisikap na magpaliwanag sa mahigit 20 dayuhan ng kalagayan ng pilipinas at ng sambayanang pilipino. hapi naman silang umuwi sa kani-kanilang mga bayan. sayang nga at di sila nakasama sa sona mobilization (maaari raw silang arestuhin at ipadeport kapag nahuli sa rali,bad trip di ba?). di talaga alam ng gobyerno ang ibig sabihin ng international solidarity (pero sunud-sunuran sa globalization,haha).
kaya nagkasya na lang sila sa mga paliwanag at talakayan namin. at kinabukasan din, nagkaroon sila ng pagkakataong pumunta sa mga comfort women ng panahon ng pananakop ng hapon, at sa isang urban poor community. nakakatuwang marinig sa kanilang hanga talaga sila sa kilusan ng mamamayan sa pinas. ayon sa kanila, bilib sila sa pagkakaisa ng mamamayan. nakikita raw talaga nila ang pagtutulungan at mataas na antas ng pagkakaisa ng mga tao. kahit daw sa sektor ng kabataan, napakahigpit daw ng ugnay ng mga tao sa isa’t isa.
syempre pumapalakpak ang tenga ko.naiimagine nyo ba kung paano magprop at mag-orient tungkol sa kultura, pagkain at what to’s sa mga dayuhan all at the same time? matutulak kang mag-baliktanaw sa sarili mong kasaysayan at kilalanin kung saan ka nanggaling.
pero sa buong panahong kasama ko din sila, natuwa akong pinoy ako. di iyong bourgeois nationalist na magbabarong ka at mag-aattend ng flag ceremony at pagkatapos ay tapos na rin uli, balik sa walang pakialam. ako man, naging proud sa pagkilos ng mamamayan dito. nasa kanila nga ang bukas.
edit ko next ha? bagsak na mata ko.