fence s(h)itting
"tatlong kilometro din ang qc circle."
iyon na lang ang nasabi ng isang driver ng up-philcoa sa dismaya niya sa pag-ikot pa sa circle kaysa mag-u-turn na lang sa dulo ng commonwealth avenue. katarantaduhan talaga ng mmda. akala ko ba nagtitipid ng enerhiya? ilang litrong langis kaya ang ginagastos sa pag-ikot pa sa qc circle?
at ang pink fences. booming na ang bakal business ni bayani fernando. pero ang underground economy ng mga naglalako sa kalsada, wala pa ring katiyakan. at kapag nalaman mo pa ang iba pang plano tulad ng pagtatayo ng mga ramp na pang-u-turn, uusok ka na lang sa galit.
gusto raw lumuwag ang sidewalk, lumuwag ang trapik at magmukhang siyudad ang metro manila na walang "eye sore" at disiplinado. pero dagdag pa nang dagdag ng pampasikip. iyon na lang pink fences, akala mo isang malaking kulungan na ng manok ang edsa. bawal ang tao dito. saan ninyo kami gustong dalhin?
at tuwing makikita mo kung paano ipinagtatabuyan ang mga manininda, itinatapon sa kalsada ang kanilang maliit na puhunan, at namamaril ang mmda kapag may lumaban, magtatanong ka kung nasa siyudad ka ba talaga. o nasa panahon ka ng barbarismo.
September 10th, 2005 at 7:48 am
hello giba! napunta ako dito through jam’s blog. add kita sa links ko ha!
musta na ang SCM? eto pala blog url ko:
http://alphalpha.blogspot.com di ako madalas dito sa friendster.