errata

paumanhin, bago talaga ako makahawak ng computrer, marami akong gustong isulat. pero ngayon, bigla akong nabablangko. gising ako ng maaga, baka magkaroon ng bagong istorya.

ulan

medyo tumila na ang ulan ngayong gabi. may bagyo nga ba? kanina kasi’y maging ang makulay kong payong na doble ang bakal, bumabaligtad sa lakas ng hangin.

marami raw di nagagawa kapag umuulan. biro nga ng tiyo ko noong isang araw, walang rali kapag umuulan, na napatunayan naman sa kasaysayang hindi. nadadama ko pa ang hilakbot ng pagsakay sa aircon bus na tumutulo ka sa sobrang basa mula ulo hanggang paa (pati underwear and all). gawain namin iyon noong sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis noong panahon ni erap, at sunud-sunod din ang protesta sa mga oil companies.

ewan ko’t lagi lang talaga akong tinatamaan ng pagsesenti kapag umuulan. sabi dati ng isang kapanalig, naiiyak daw siya kapag umuulan. siguro dahil kasabay ng ulan, ang ideya ng paghuhugas, paglilinis. iyong mga nanlilimahid na mga sasakyan, lumilinis kapag umuulan. ang mga kalsadang maalikabok (uh…nagiging maputik?), umaaliwalas kapag umuulan.

kapag umuulan, maaalala mo ang pagtatampisaw sa ulan, ang pagpapatianod ng mga bangkang papel, ang pagmamasid sa pagguhit ng mga kidlat sa langit, ang pagyakap sa iyong unan para maibsan ang lamig.

joy (the noun)

isang linya lang: tumatalon pa rin ang puso ko kapag…heps! hanggang dito na lang.

hanggang doon na lang naman talaga.

Leave a Reply