sadness and the gnd one
ngayong gabi lang, nagulat ako dahil nagtext ang pinsan ko:"please stop wasting your time and fooling yourself. do more things to help the poor and really serving the people. you’re wasting your energies in just shouting and rallies. please bring back the ate i have known - studious and rational.it’s about finding your purpose and obligation as a filipino citizen."
nalungkot ako, syempre. kasalanan ko rin naman kung bakit ganoon ang tingin nya. dati naman hindi. naaalala ko, niyayaya ko pa siyang umatak ng edsa noong 2001. high school pa siya noon. pero weakness ko pa rin kasing magpaliwanag, magdetalye.
nakakalungkot lang, iyong mga notions sa mga aktibista: rali ng rali, sigaw ng sigaw sa kalsada. okey na sana kasi totoo iyon e, pero ang dagdag pa: iyon lang ang ginagawa.
kaya nga busy ang mga bakti, kasi di lang pagrarali ang ginagawa nila. kaya naman nasasabi iyon dahil iyon lang ang nakikita. pero nag-aaral tayo kahit hindi lahat sa loob ng klasrum. hindi ba’t sinabi rin minsan ng magulang natin sa ating di lahat sa eskwela natututunan? ang lipunan ba, ang mamamayan, katabi mo’t kaklase lang? e 1 milyong kabataan nga ang di makapag-aral. saan mo sila makikita?
at may mga kongkretong nagagawa. nga lang, sabi ko, di pa talaga magawa lahat dahil pinansya ang kailangan mo doon e. at lalong di natin gustong mag-himod pwet sa mga multinationals na pumipiga ng bulsa at ugat ng taumbayan natin. isa pa, ang charity o social work, di lang magagawa within the framework of the government.
isa pa, fundamental ang mga usapin. di kasya ang isang kilong bigas na isinupot kasama ang isang latang sardinas o noodles. lalong di kasya kahit ang isang supot mo ng dugo. mamamatay din ang pasyente kung wala siyang pang-down sa ospital para masalinan ng dugo. kalam din ang sikmura kinabukasan pagkaubos ng kaning asin ang inulam.
bakit di natin tanungin kung bakit sila nagugutom? sabi ni kristo, wag mo lamang siyang bigyan ng isda, turuan mo siya kung paano mangisda. pero di ba pwedeng tanungin kung bakit marunong na nga silang mangisda, pero wala nang isda sa dagat dahil malalaking barko na ang kumuha?
ngayon, maligalig ang panahon. nakakairita ang mga nagkalat na tarpaulin streamers na nagsasabing "trabaho, hindi gulo" at "pamumulitika ang ugat ng pagtaas ng presyo ng langis." pero tinanong na ba natin kung bakit di pinipigilan ni gloria ang pagtaas ng langis, at nagpataw pa ito ng vat? nilalabanan ang krisis, o siya ang dahilan nito.
di lang standing by the constitution ang pagiging filipino citizen. dahil kapag ang gobyernong ito na mismo ang lumalabag sa konstitusyon, sa paggalang sa eleksyon at higit sa lahat, sa pagkilala sa buhay at karapatan ng mamamayan, sa tingin ko di ako magkakasya sa panonood lang. sa tingin ko, studious pa rin iyon.
at ang pakikialam para sa panlipunang pagbabago, ang pinakarasyunal na tungkulin ng bawat kabataan sa panahong ito.
*gnd- grim and determined, seryosong-seryoso sa isang bagay na pinagkakaabalahan o pinaniniwalaan.hardcore.
July 11th, 2005 at 8:33 pm
giba giba! haha! nakakatawa… parehong pareho tayo ng sentimyento… punta ka sa blog ko (www.jonnabebeh.modblog.com) …basahin mo ung latest blog entry ko…
haay… nakakapagod din pala magpaliwanag minsan… pero go lang! ‘di hamak naman na mas may kabuluhan ang mga pinaggagagawa natin. SERVE THE PEOPLE! ‘Yan naman ang puno’t dulo, di ba? &;p
July 17th, 2005 at 3:21 am
miss na kita. un lang : )
July 25th, 2005 at 5:39 am
hay maria cristina angela guevarra…ikaw na ikaw pa rin yan.
hindi ko man mapantaya, masakyan, o masang-ayunan ang lahat ng mga bagay na pinaniniwalaan at ipinaglalaban mo, gusto ko lang malaman mo na lubus-lubos ang respeto ko sa’yo noh! Yun bang tipo na kapag nagkaroon ako ng anak, at naisipan niyang pumasok ng UP, ikukwento ko sa kanya na dati, habang isa pa’kong ‘lost’ na estudyanteng naglalakad sa may Sunken, may kasabay akong isang makulit at may matining na boses na babaeng tumulong sa paghubog ng mga bagay na pinaniniwalaan ko. Ganon katindi ang impact mo.
Miss na kita! Magparamdam ka naman hoist!
Lagi kang mag-iingat, alagaan mo ang sarili mo para mas madinig pa ng madla ang boses mo!
August 12th, 2005 at 2:03 am
nakakalungkot naman. di bale, share ko na lang ang paborito kong qoute:
“You will find as you look back upon your life
that the moments when you truly lived are the moments
when you have things in the service of the people!”
-di ko nga lng alam kung sino may sabi nyan kasi tinext lang yan sa akin ni RG ng AB.
sana naka-inspire pa lalo sau.
Miss na kita giba! (^ ^)
August 12th, 2005 at 2:05 am
nakalimutan ko ang isang napakahalagang salita kaya irerepost ko:
“You will find as you look back upon your life
that the moments when you truly lived are the moments
when you have DONE things in the service of the people!”