propaganda

it’s about time na makapagpost ako sa blog na ito.dinelete ko na kasi iyong isa kong blog sa blogspot, kasi di naman ako regular na nagsusulat.noong una rin,di ko talaga matipuhan yung idea ng pagsusulat ng mala-journal online na ilalako mo sa mga tao.pero sa isang banda, ito ay venue para sa pagpapalitang kuro,talakayan at promotion ng mga events. sa madaling salita, propaganda. pag nabasa ito ng mga taong sensitibo sa salitang prop, tiyak magpapanting ang tainga nila (o malamang, di na nila itutuloy ang pagbabasa).

e lahat naman nagpopropaganda. ang propaganda, pagpapalaganap ng pahayag batay sa mga partikular o pangkalahatang interes. ang mga statement halimbawa ni press sec. bunye, propaganda.sa interes na makapanatili pa si gloria, kahit na very much obvious nang nagsisinungaling na,kesyo minority lang umano ang nananawagan ng pagbaba sa pwesto ni gloria. kesyo destabilizers ang mga sumisigaw ng "oust!"

para pabulaanan ito, ay propaganda rin. papayag ba naman ang matagal nang naghihirap na mamamayang sabihing suportado pa rin nila si gloria? kayo na ang makakasagot.

ang aktibista,kahit saan mo dalhin,parang munggo — magpupunla talaga iyan dahil alam niyang dapat.kaya kahit ganitong mga venue, pinapatos. baka sabihin naman nila, kj. pero di uy. wala nang mas kasiya-siya kundi sa paglilingkod sa sambayanan at pagpapahalaga ng buhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng sariling buhay. :)

buong araw na rin akong nakaharap sa pc.nagkaroon lang ng pagkakataon kaninang maglakad-lakad ng kaunti sa mall dahil sa errands din naman. nakita ko ang isang highschool friend sa isang shop.di ko rin talaga inaasahan,dahil nasa bayan naman namin silang lahat.

nakakatawa.nang sinabi kong nasa people’s org ako ngayon,ang sabi lang niya, "kinarir mo na talaga ha…" paulit-ulit,hanggang sa umalis kami.ang nasabi ko lang, kailangan e. ewan ko’t di na ko nagpalawig. marahil,malabong sagot iyon. marahil, maaaring karugtong noon ay kung bakit ba ako nandito, at paano ako mabubuhay. anong kinabukasan ko dito?

pero nakangiti pa rin akong umalis. karir naman talaga ang pagiging bakti. lifetime career nga at di ka kailanman masisisante. pwede mong sisantehin ang sarili mo,pero natitiyak ko,babalik at babalik ka.

hanggang may pagsasamantala,hanggang nariyan si gloria…kahit madalas gutom at walang pera (romantisismo not intended),tuluy-tuloy lang sa pakikibaka.

at di lang iyan propaganda.

One Response to “propaganda”

  1. AdulBandul Says:

    Hi there!
    My first post at this great blog!
    I wanna show u my dayly updated blog: Amateur Topless Teen
    Have a nice day!
    BB!

    P.S. if you don’t want to see this message please write me to no.ads08@gmail.com with subject “NO ADS” and URL of your forum
    Thank you for cooperation!

Leave a Reply